Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )
Manage episode 352040693 series 3387914
Вміст надано Jay Manalo. Весь вміст подкастів, включаючи епізоди, графіку та описи подкастів, завантажується та надається безпосередньо компанією Jay Manalo або його партнером по платформі подкастів. Якщо ви вважаєте, що хтось використовує ваш захищений авторським правом твір без вашого дозволу, ви можете виконати процедуру, описану тут https://uk.player.fm/legal.
Itobay aking nilikha para sa taong 2022 papuntang 2023 na grabe talaga ang Diyos sa buhay natin/ko. GRABE! NAPAKABUTI MO! "Malayang Tula na'may Malayang Taludturan" nilikha ni Jhay Manalo Grabe napakabuti mo! Sa bawat taon na dumaraan Napakarami mong paraan. Ikaw yung naging dahilan Kung bakit ko'to nasimulan Grabe napakabuti mo! Sa bawat pagsubok na dumaraan Andami ko nalang dahilan Ayy pagod nako, suko nako Patuloy naba 'kong maglalaho? Andaming naging tanong sa sarili bakit mo binigay 'to? deserve ko ba'to? kaya ko ba? bakit ito? Hindi na maunawaan Ang kanyang dahilan Kung bakit ito, ang aking pinagdaraanan Marahil Ako'y pinabayaan? Andaming naging katanungan Ngunit sa samu't-saring natunghayan Ako'y may malaking natutunan Na nakapagbago sa aking buhay 'Yong paghihintay sa kalooban ng Panginoon. Na noong mga panahong hindi naging mahinahon at napakaraming naging tanong Grabe! Napakabuti mo! Hindi ko inaasahan Ang aking mga natutunghayan sa kasalukuyan Na hindi ko hiniling Ngunit kusang dumarating Grabe! Napakabuti mo! Ngayon, aking napagtanto at Ako'y natuto Na ito ang 'yong gusto Grabe! Ang kalooban mo! Sa pagsubok na nararanasan lagi kang nandyan Upang gumabay, umalalay At nilalayo ako sa kapahamakan Grabe! Napakabuti mo! Grabe! Sa taong ito! Damang-dama ko ang presensya mo! Sa dami kong pagkukulang Ang biyaya mo naman ay hindi ko lubos mabilang Ang sakit ng mga salita mo Ngunit sa sakit nayan Dyan ko nararanasan Ang sakit na nakapagbago sa aking buhay Lord Patawad na dati'y sa bawat lakad Hindi ko mailahad Ang salita mong walang kasing lakas Grabe! Napakabuti mo! Sa aking panibagong paglalakbay Ikaw ang aking kaagapay Upang maging matagumpay At malampasan ang mga hamon sa buhay Sa Panibagong Yugto ng aking buhay Ikaw ang magiging karamay hahawakan mo ang aking mga kamay At sabay tayong maglalakbay Ikaw lamang Panginoon Mula noon hanggang ngayon Patuloy na lalalim At mananatili sa iyong piling Mapa-isa, dalawa, tatlong beses na panalangin Hindi magiging sapat, upang ika'y purihin Ikaw ay sapat, tapat at Karapat-dapat Ikaw ang lahat, at mundo ay mamumulat Grabe! Napakabuti mo! Sa bawat taon na dumarating Gustong-gusto ko manatili sa iyong piling Yung tipong matutulog ng mahimbing Dahil sa iyo nananalangin Kaya sa susunod na taon Ang Aking New Year Resolution ang mapapurihan ng lubos ang makapangyarihang Diyos
…
continue reading
9 епізодів